Ang Pag-asa ng Bayan
Isa sa pinapahalagahang kataga mula kay Dr. Jose Rizal ay ang katagang, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Ang pahayag na ito ay nagpapakitang naniniwala si Rizal na ang mga kabataan ay may kakayahan upang maging pag-asang maaaring magkaroon ng mabuting kinabukasan ang mga susunod na henerasyon. Kung kaya, pinapahalagahan niya ang edukasyon bilang pangunahing aspeto sa paglinang ng kakayahan at abilidad ng mga kabataan dahil naniniwala siyang ang kaalaman ay isang kayamanang hindi maaaring ipagpalit sa kahit anumang materyal na bagay. Ipinakita niya ito sa kanyang paggamit ng pagsusulat sa halip na gumamit ng dahas sa pakikipaglaban sa mga Kastila. Ngunit kung titingnan natin ang ating kasalukuyang panahon, ang sistema ng edukasyon ay malayo sa perpekto – marami sa mga kabataan ay hindi nabibigyan ng opportunidad na mag-aral dahil sa kahirapan, maraming pagkukulang sa mga silid-aralan at pasilidad ng mga estudyante, mababa ang kalidad ...